banapple = banaba + pineapple

--June 28, 2008 - 8:58 am--

yesterday we went to a pastry shop called banapple located along katipunan avenue (tama naman, db?) kasama ko ay sila ronna, daben (itong dalawang 'to naman lagi ang kasama ko sa lakwatsa eh), jamie, kai, isay, and the soon-to-be-adopted na stat major na si arjay (as i see his name in the phonebook of isay, hehe..). out of curiosity ni ronna ay napilit niya kaming sumama sa lakad niya.

dahil 7 kami, nagdalawang taxi kami to get there. ang magkakasama ay ako , daben at ronna sa isang cab tapos yung apat dun sa kabilang taxi. as usual, nagkukwentuhan kaming tatlo about sa buhay ng ibang tao. haha! in short nagtsi-tsismisan. pero hindi lang naman yun yung topic namin. may iba pa. hehe.

after a few minutes, nakarating na kami. mabilis yung byahe kasi light yung traffic. pagbaba ko, i tried to look for the place. i was expecting a large pastry shop kasi, the ones like that of pang-sosyal na cafe. pero parang na-over estimate ko ata yung place. haha! maliit kasi yung place tapos basta.. haha!

when we entered the shop, ang liit talaga ng free space! tapos ang first na tumambad sa amin ay yung mga cakes and pastries nila. hinid naman pala ganun kaganda yung presentations ng cakes nila eh, parang tulad lang nung nasa mga ordinary bakery, haha! we decided to order different cakes para matikman namin most of what they offer. sorry naman, medyo broke kami nun eh, o ako lang yun? haha!

so ayun na nga, our cakes were served. i ordered ung cake na ini.endorse nila, yung dark chocolate tiramisu 'something'. hindi ko na maalala. haha! yung kay ronna naman ay yung super caramel 'something'.. well, may caramel siya but it lacks one thing.. nawawala yung 'super' haha! yung ay daben naman yung snicker 'something'. hindi ko masyadong natikman yung sa kanya kasi ewan, parang hindi masarap. yung kay jamie ay may title na two-nut 'something'. by the way, nung una kong tanungin si jamie kung ano yung inorder niya ang dinig kong sinabi niya ay 'kunat'.. kaya ayun, tawa ako nang tawa. haha! yung kay arjay naman ay yung very infamous blueberry cheesecake. yung kay isay ay yung mocha 'something' ata. yung kay kai, hindi ko alam yung tilte. haha! masarap yung mga cakes nila, hindi super sweet kaya super enjoyable. ui, meron pala sa amin kahapon yung super sweet, talo pa yung mga cakes.. haha!

oh well.. ayan yung banapple escapade namin kahapon. bumalik pa kaming peyups after kasi may mga class pa kami, except kai and isay.. sana maulit yun uli. haha!

m.q

2 comments:

Unknown said...

<3 <3 <3
mahal na mahal kita, sir

Unknown said...

Sir winner we are proud of you <3 <3